Natthan T. Dublin profile

NATTHAN'S PROFILE

About Me

Ang tawag sa akin dati eh father, pero hindi naman ako nagpari. Mahilig ako sa kahit anong luto ng puso ng saging. Ang paborito kong bilhin dati sa canteen ay SAFARI pero kapag uwian, banana cue na nabibili sa bangketa. Kung walang banana cue, pwede na ang isang kahon ng hopia ube at baso ng gulaman. Lagi akong late noon, ngayon minsan late pa rin.

Mahilig akong kumanta, tumugtog ng gitara at gumawa ng ingay. Dambuhala ang boses ko at nakakatakot minsan. Pasimple kung magpasaway pero nagsisikap maging mabuti at banal. Miyembro ako ng isang koro sa simbahan at lingkod-altar din hanggang ngayon. Sabi ng mga guro ko noong hayskul eh mabait daw ako. Mabait naman talaga ako lalo kung tulog. Kaso nate-turn-off ung mga teachers dati kapag nagsimula akong mag-ingay: katulad na lang ng naranasan ni Sir Tabora sa mga Pekta Boys matapos kaming mag-orasyon sa harap ng larawan ni Binay na nakasabit sa itaas ng pisara habang ubod kislap itong nakangiti buong araw. Ginagawa namin ito tuwing recess kapag trip namin.

Sa ngayon mas tahimik na ako pero kapag kasama ko mga kaibigan ko, malaki pa rin ako tumawa. WUAHAHA! Ayan, kung gusto niyo ng updates tungkol sa akin, usap tayo sa ym: pebrerobentedos - yan po ang ID ko.

My biggest crush in 4A is/was:

tatlo sila eh.. si jaisy, si jean at si zita..
haha! ibang level ung kay gwen kaya wala siya jan.

I miss (name of 4aer) because (reason)

i miss dax and gretch kasi ako nagkasal sa kanila kaso nag-divorce.. joke! Kasi sila ang pinakamatalik kong mga kaibigan noon. walang sawa sa mga patutsada kong minsan ay walang kwenta.

Most unforgettable high school memory:

My most unforgettable high school memory was the JS Prom nung fourth year.